PROYEKTO SA AP II

Thursday, June 10, 2010

School of Saint Anthony
Lagro, Quezon City

“Windows of Asia 2010”
Isang Mungkahing Proyekto, Una-Ikatlong Markahan
Araling Panlipunan II
SY 2010-2011

I. Kadahilanan at Katwiran ng Projekto
Ang mga estudyante ng ikalawang taon ay tulong tulong na magpaplano at magsasagawa ng natatanging presentasyon at magpapakilala sa iba’t ibang kaganapan, katangian, tao at kultura ng kasaysayan at kasalukuyang Asya. Ito ay magsisilbing makulay na paglalahad, pagkilala ng mga pamana, mahahalagang impluwensiya at kalipunan ng mga kaalamang hanggang ngayon ay malaki at malawak na epekto sa ating modernong pamumuhay.
II. Layunin
Sa pagtatapos ng proyektong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Makilala ang mga bansang kabilang sa kontinente ng Asya.
B. Maunawaan ang kulturang nakapaloob sa bawat bansa,
C. Matukoy ang epekto ng kultura ng mga bansa sa ekonomiya, pulitika at kamalayang panlipunan ng mga naninirahan dito; at
D. Makagagawa ng masisining na presentasyon ng mga natatanging bahagi ng kulturang Asyano.

III. Pamamaraan
Sa bawat markahan ay may nakatakdang output na dapat maipasa bilang reketitos na mamarkahan para sa proyekto.
Para sa unang markahan ay gagawa ng Picture Collage/Catalogue (Electronic Brochure) ng bansang kanilang napili ng mga mag-aaral. Hahatiin ang mga mag-aaral sa triad (3 miyembro) at ito ay magsisilbing proyekto. Ibibigay ang Picture Collage/Catalogue sa panahong itinakda ng guro. Ito ay susuriin at pagkatapos suriin ay idadagdag ang puntos ng kooperasyon upang makumpleto ang kanilang grado sa unang markahan.
Sa ikalawang markahan, magkakaroon ng Cultural Parade & Exhibit ang klase. Hahatiin ang klase sa triad (3 miyembro). Pipili ang bawat mag-aaral ng isang bansa na kanilang kakatawanin. Magsasaliksik ang mag-aaral hinggil sa aspetong kultural (sining, agham, musika, national costume, artwork, national symbol) ng kanilang bansang napili sa unang markahan. May mga tumpak ng detalye na ibibigay ang guro. Pipili ang mag-aaral ng isang aspeto ng kultura na kanilang iaambag sa Cultural exhibit. Magsasaliksik din ang bawat grupo hinggil sa national costume o symbol na maari nilang isagawa at ipakita sa Cultural Parade. Ang output ng bawat grupo ay 2 (pang-exhibit at parade). Isang miyembro lamang ang lalahok sa Cultural Parade. Ang Cultural Parade & Exhibit ay ambag ng mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng United Nations.
Ang Cultural Parade & Exhibit ay gaganapin sa panahong itinakda ng guro at ito ay ipapakita sa grade school (Gr. 1-3) sa araw ng kanilang HEKASI. Makikipagtulungan ang guro sa tagapag-ugnay ng HEKASI para sa programa ng Cutlural Parade & Exhibit.
Para naman sa ikatlong markahan, ang klase ang magdedesisyon kung sino ang kakatawan sa cultural dance, kanta at pagsisilbi ng native dishes. Magsisilbing gabay ang akademikong guro.
Unang Markahan: “Picture Catalogue/Collage” (Triad) of Asian Country Profile in CD (Napiling Bansa)
Nilalaman:
Unang bahagi:
Pagpapakilala ng bansang napili
1. Pangalan ng bansa
2. Watawat – kahuluan ngmga simbolo sa watawat
3. Heograpiya at lokasyon – kasama ang pagsukat ng longitude at latitude, mapa ng bansa
4. Gobyerno – kasalukuyang uri ng gobyerno, namumuno
5. Ekonomiya – mga pangunahing pangkabuhayan sa bansa, kabilang ang import at export products, serbisyo, mineral, etc.
6. Populasyon – kasalukuyang bilang ng populasyon, mortality rate, birth rate, human development index report
7. Edukasyon – literacy rate, illiteracy rate, top 5 schools/university
8. Gender Equality – 5 natatanging kababaihan na nakilala o tanyag sa iba’t ibang lipunan
9. Sustainable Development – mga pagkilos o programa upang maitaguyod at mapreserba ang kalikasan (minimum of 5 programs)
10. Kasaysayan ng bansa
11. Timeline at mga pangyayari – simula sa pagkatuklas ng bansa hanggang sa kasalukuyan
12. Mga mahahalagang tao – bayani o lider na may malaking impluwensiya o naiambag sa ikatataguyod ng bansa (minimum of 10)
13. Kontribusyon o Pamana – mga naiambag sa pandaigdigang sibilisasyon sa larangan ng ekonomiya, kultura, military, edukasyon, pulitika, at teknolohiya
14. Mga Karagdagang impormasyon
1. Embahada ng Pilipinas – lokasyon, sino ang nakatalaga, oras ng pagbisita
2. Sanggunian

Ikalawang Bahagi:
Pagpapakilala
1. Kultura at tradisyon - mga natatanging kultura at tradisyon na tampok sa bansang napili. (minimum of 15)
2. Selebrasyon – mga mahahalagang petsa, lokasyon at selebrasyon ng isang buong taon.
3. Pagkain – mga kilala pagkain na matatagpuan lamang sa bansa. Kabilang ditto ang recipe at larawan ng pagkain. (minimum of 3)
4. Tourist Spots- mga sikat na lugar at kinagigiliwan ng mga turista. Kabilang dito ang mga nakilala bilang World Heritage Sites ng UNESCO (minimum of 10)
** Ang E-brochure ay Adobe Photoshop format


Ikalawang Markahan: Cultural Parade & Exhibit (UN Day)
Nilalaman:
1. Bansang napili
2. Rationale (exhibit at parade)
3. Mga kagamitan
4. Tasking ng bawat miyembro
5. Mga posibleng gastusin (Budget)
6. Dokumentasyon
7. Country Flag/Symbol
8. Output

Ikatlong Markahan: Country Presentation / Festival
Nilalaman:
e. Cultural Presentation/Festival (1 presentation/festival per class)
f. Pagkain- Maghahanda ang klase ng 2 pagkain na kabilang sa mga bansa sa Asya, maliban sa Pilipinas. Halimbawa, sushi ng Japan.
g. Final Copy ng Electronic Brochure (In-design Format)
h. Documentation ng Cultural Parade, Exhibit at Festival

*** PAALALA:
1. Siguraduhin na hindi magastos ang mga presentasyon at produkto. Maging malikhain at mapamaraan.
2. Ang E-Brochure para sa ikatlong markahan ay ang pagsasagawa ng ad campaign para sa bansang napili at ito ay nasa Flash format alinsunod sa pakikipag-usap sa guro ng Computer.
3. Ang pagpili ng sayaw para sa Cultural presentation ay aaprubahan ng guro sa PE.

IV. Materyales
• Costume (improvised/recyclable)
• Art materials
• cd, computer/laptop
• internet, encyclopedia
• music, cd player







V. Batayan sa Pagmamarka
Batayan ng pagmamarka sa una, ikalawa at ikatlong markahan:
Batayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2-1
puntos Multiplier Kabuuan
Nilalaman
(paglalahad ng mga ideya at kawastuhan ng mga presentasyon) Kumpleto, malawak, napalalim ang ideya, may dagdag impormasyon Hindi kumpleto ang datos ngunit buo at malinaw ang ideya May kulang na datos at maikli ang pag-unlad ng ideya Mali ang kabuuang ideyang ipinapakita ng mga datos ___ x 4 ___ /20
Pagkamalikhain Orihinal ang mga materyales at pagkakaayos nito;nakatawag pansin Malinis, nakatawag pansin ang mga materyales subalit hindi lubusang maituturing na orihinal Ginugulan ng panahon subalit hindi nakapukaw ng pansin
Halatang hindi pinaghirapan ___ x 2 ___ /10
Kalinisan Gumagamit ng angkop na materyales angkop ang paggamit, walang kalat at organisado Maayos ang kabuuang labas subalit may kaunting kalat Kulang sa masining na pagkakaayos ang mga materyales, kulang sa organisasyon Lubhang magulo at makalat, wari’y kalat na rin ang mga materyal na ginamit ___ x 2 ___ /10
** Kooperasyon May aktibong partisipasyon, natapos ang takdang gawain at may pakikisama May partisipasyon sa mga pulonh ngunit hindi natapos ang takdang gawain May partisipasyon lamang kapag sinibihan o pinilit Kaunti o walang partisipasyon o pakikisama sa paggawa

___ x 2 ___ /10
KABUUAN ___ / 50
puntos

• Bibigyan ng pagkakataon na magbigay grado sa kooperasyon ang mga lider.
• Lahat ng gawain at pagpupulong na patungkol sa proyekto ay kinakailangang ipagbigay alam sa guro at gagawin sa paaralan.
• *** Para sa kooperasyon, magkakaroon ng peer rating ang bawat pangkat pagkatapos ng araw ng pasahan ng proyekto. Sa pagkakataong ito, bibigyan ng marka ng bawat isang miyembro ng grado 1-10, 10 ang pinakamataas, ayon sa naging paartisipasyon at kontribusyon ng bawat isa sa ginawang proyekto. Kukunin ang average at ito ang idadagdag para sa pamantayan ng kooperasyon sa itaas

VI. Mga Takdang Panahon ng Pagpapasa
Unang Markahan - August 10-11, 2010
Ikalawang Markahan - November 15-16, 2010
Ikatlong Markahan - March 7-8, 2011
• Sa mga huling magpapasa, bibigyan ng ikalawang palugit ngunit babawasan na ng limang (5) puntos) ang kabuuang marka pagkatapos ng unang palugit pa lamang. Kung naipasa ang proyekto isang araw pagkatapos sumapit ang ikalawang palugit, muling magkakamit ng kabawasang limang (5) puntos. HINDI NA TATANGGAPIN ang proyekto pagkatapos ng isang araw mula sa ikalawang palugit.

VII. Subject Integration
Unang Markahan - Computer
Ikalawang Markahan - Filipino, Music, English
Ikatlong Markahan - PE, Music, TLE, Computer

Inihanda nina:
Bb. Maria Lourdes Mercado Gng. Shine Blasco Gng. Analiza Cordinete
Guro, AP II Guro, AP II Guro, AP II

G. Melo Diaz G. Edward Borja G. Genred Ramos
Guro, Computer II Guro, PE Guro, PE II

0 comments:

Post a Comment