KASUNDUAN SA ARALING PANLIPUNAN

Thursday, June 10, 2010

KASUNDUAN SA ARALING PANLIPUNAN
I. TAKDANG ARALIN /GAWAING UPUAN
1. Ang takdang aralin ay kinakailangan matapos sa takdang panahon na ibinigay ng guro. Makatatanggap ng marking zero (0) kung hindi magagawa ang tadang gawain.
2. Upang magkaroon ng “make-up work”, kinakailangang magpakita ng medical certificate at secure letter na may lagda ng magulang, isang araw pagkatapos ng kanyang pagliban sa klase.

II. PROYEKTO
1. Tumugon sa itinakdang pamamaraan ng paggawa at panahon ng pagpasa na ipinaliliwanag ng guro.
2. Bibigyan ang mag-aaral ng dalawang (2) palugit sa panahon ng pagpasa. Babawasan ng limamng (5) puntos ang kabuuang marka pagkatapos ng unang palugit. Kung naipasa ang proyekto sa pagasapit ng ikalawang palugit, muling babawasan ng limang (5) puntos HINDI NA TATANGGAPIN ang proyekto pagkatapos ng ikalawang palugit.

III. KWADERNO
1. Kinakailangang sumulat ang mga mag-aaral sa paraang dikit-dikit (cursive).
2. Asul o itim na tinta ng panula lamang ang maaring gamitin sa pagsulat. Maaring gumamit ng berde o pulang panulat sa mahahalagang detalye ng aralin.
3. Babultin ng berderng papel ang kwaderno at maglalagay ng dibisyon para sa bawat markahan.

IV. JOURNAL
1. Magkakaroon ng 2-3 gawain bawat markahan para sa journal entries.
2. Maglalahad ng sariling buod at reaksyon bataysa mga gabay na tanong mula sa guro.Ilalagay ang mga sagot sa bond paper o yellow pad paper (typewritten/ handwritten)
3. Ang pagpapasa ng huli ay may bawas na 3 puntos at ang hindi pagsunod sa panuto ay may bawas na 2 puntos. Hindi na tatanggapin ang gawain matapos ang 1 araw mula sa itinakdang pananahon ng pagpasa.
V. PORTFOLIO
1. Magkakaroon ng 2-3 gawain bawat markahan para sa portfolio entries.
2. Sumunod sa mga panuto upang matapos ang mga gawain sa malikhain at makabuluhang paraan.
3. Ang pagpapasa ng huli ay may bawas na 3 puntos at ang hindi pagsunod sa panuto ay may bawas na 2 puntos. Hindi na tatanggapin ang gawain matapos ang 1 araw mula sa itinakdang pananahon ng pagpasa.

VI. PARAAN NG PAGMAMARKA
1. Maikling Pagsusulit 10 %
2. Partisipasyong Pangklase 30 %
3. Portfolio at Proyekto 20%
4. Takdang Gawain 15 %
5. Lagumang Pagsusulit (ST) 10%
6. Markahang Pagsusulit (PT) 15%
TOTAL 100%

VII. 10 KAUTUSAN SA KLASE
1. Maging handa sa lahat ng oras.
2. Maging aktibo sa klase.
3. Ipinagbabawal ang anumang uri ng pandaraya. Maging tapat sa lahat ng panahon.
4. Laging magtala sa kwaderno ng mahahalagang datos.
5. Maging matulungin sa lahat ng ng takdang gawain sa klase.
6. Maging mapanuri at kritikal sa lahat ng oras.
7. Maging malikhain, maayos at malinis sa paggawa.
8. Igalang ang isa’t isa sa lahat ng panahon
9. Magpasa ng rekurso sa takdang panahaon.
10. Gawing Masaya at makabuluhan ang lahat ng gawain.

Lagda ng Mag-aaral: _____________________
Lagda ng Magulang: _____________________
Lagda ng Guro: _____________________

0 comments:

Post a Comment